Namahagi kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Palapag, Northern Samar. Sa isinagawang distribusyon, nakapamahagi ang DSWD ng P25,438,720 na ECT sa 8,368 na mga benepisaryo sa nasabing munisipiyo.

Bahagi ang distribusyon na ito sa patuloy na isinasagawang distribusyon ng ECT sa mga munispiyo na naapektuhan ng baha na dulot ng shearline noong Nobyembre.

Ayon sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P66,630,720 sa 21,918 na mga benepisaryo mula sa Palapag, Lavezares, at San Jose. Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang mga isinasagawang payout sa iba pang mga munisipiyo.

Maaaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa schedule ng ECT distribution sa inyong lugar.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD