Patuloy pa rin sa pagbahagi ng pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan o Listahanan 3 database ang DSWD Field Office VIII.

Nagkaroon ng paglagda ng Data Sharing Agreement at pagbahagi ng nasabing database sa lokal na pamahalaan ng Matag-ob, Leyte at Villaba, Leyte noong ika-13 ng Marso, 2024.

Pormal na ibinahagi ni Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So at Statistician II Aileen Joy Silvestre ang electronic copy ng Listahanan 3 database sa Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Matag-ob, Leyte na si Enrique Odtuhan at Social Welfare Officer II (SWO II)/Data Protection Officer (DPO) Mechona Laurente.

Tinanggap naman ni MSWDO Ma. Flor Pastor ang Listahanan 3 database para sa lokal na pamahalaan ng Villaba, Leyte.

Ibinahagi rin ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan sa probinsya ng Northern Samar noong Enero 2024. Malugod na tinanggap nina Provincial Social Welfare and Development Officer (PSWDO) Jenny Darish at Administrative Officer IV (AO IV)/designated Information Technology Officer (ITO) Marites Viloria ang Listahanan 3 database para sa probinsya ng Northern Samar.

Ang mga datos na nilalaman ng Listahanan 3 database ay maaring gamitin ng lokal na pamahalaan ng Matag-ob, Leyte, Villaba, Leyte at probinsya ng Northern Samar upang magsilbing basehan sa pagpili nila ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap.

Para sa mga lokal na pamahalaan, publiko at pribadong mga ahensya sa Rehiyon Otso na nagpapatupad ng mga serbisyong panlipunan at nagnanais magkaroon ng access sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, makipag ugnayan lamang sa National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII sa pamamagitan ng email na ito: nhts.fo8@dswd.gov.ph o di kaya ay bumisita sa opisina ng National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII na matatagpuan sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3