Matagumpay ang DSWD Field Office VIII na nakapamahagi ng P337,342,720 sa mga isinagawang payout ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa probinsya ng Nortehrn Samar.

Nakapamahagi ang ahensya nitong ayuda sa 110,968 na mga kwalipikadong benepisaryo mula sa 21 na mga munisipiyo. Kasama dito ang Allen, Bobon, Capul, Catarman, Catubig, Gamay, Laoang, Lapinig, Las Navas, Lavezares, Lope de Vega, Mapanas, Mondragon, Palapag, Pambujan, Rosario, San Jose, San Isidro, San Roque, San Vicente, at Silvino Lobos.

Ang ECT ay pinansyal na tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre.

Para sa iba pang pinansyal na tulong, o Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), maaaring bumisita sa pinakamalapit ng himpilan ng DSWD o sa mga lokal na Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD