Isang daang mga mag-aaral mula Grade 11 at Grade 12 ng Kahupian Integrated School , Sogod Southern Leyte ang dumalo sa isinagawang Youth Development Session (YDS) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program noong Abril 14, 2024.
Sa naturang sesyon, itinalakay ang mga topiko ukol sa Teenage Pregnancy, Sexually Transmitted Diseases (STDs), at mga Not-Attending-School reasons.
Naisagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng DSWD sa Department of Education (DepEd).
Ang Youth Development Session (YDS) ay isang interbensyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nakatutok sa mga kabataang benepisyaryo nito. Layunin ng YDS na mas palakasin pa ang mga aral ng kabataan mula sa paaralan; at payabungin pa ang kanilang kaalaman at kamalayan ukol sa mga isyung panlipunan.
(credits: DSWD 4Ps ML Ivy Balingcos)