ABCD, EFG, HIJK, LMNOP…For Jovelyn, it’s another day at work.
Jovelyn Vargas, 37, is a teacher at the Rizal Elementary School in Dolores, Eastern Samar. She teaches kindergarten and is also taking up her masters degree at the Eastern Samar State University in Can-Avid.
She finds joy in her vocation, especially since she has always wanted to be a teacher since she was a little girl.
However, there was a time in her life when this might not have been possible.
“Noon, ako ay simpleng maybahay lamang, may tatlong anak. Dahil sa maagang nakapag-asawa, maraming mga pagsubok ang aming narasan,” she recalls. “Walang maayos na tirahan, palipat-lipat kung kani-kaninong bahay, walang sapat na hanapbuhay o pinagkakakitaan para sa pangtustos sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya, walang permanenteng trabaho dahil sa pareho kami ng asawa ko na high school lamang ang natapos.”
Aside from their financial difficulties, their marriage also experienced difficulties. Because of these, she had almost given up on her dream of becoming a teacher.
“Ako ay napapaiyak na lamang ‘pag naaalala ko ang aking mga pangarap na wala nang pag-asang magkaroon pa ng katuparan. Pinangarap kong maging isang guro noong ako ay bata pa lamang. Lagi kong dasal sa Maykapal na sana makapagtapos ako, ngunit dahil sa mahirap lang ang mga magulang ko, hanggang high school lang ang nakaya nilang tustusan. Hanggang sa nakapag-asawa ako. Doon na tuluyang naglaho ang aking mga pangarap.”
Thankfully, fate intervened through the Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
“Lumipas ang isang dekada na ganoon lang ang buhay naming puno ng kahirapan. Hanggang sa may mga taong dumating sa aming barangay, nag-iikot sila sa mga bahay-bahay. Marami silang mga katanungan na sinasagot lamang namin ng katotohanan. Yun na pala ang masusing pag-aaral para sa mga karapat-dapat maging benepisyaryo ng Programang Pantawid para sa Pamilyang Pilipino (4Ps). Salamat kay Mang Gobyerno at isa kami sa mga pinagpalang maisali sa programang ito.“
And this was when her life turned around for the better.
“Isa ako sa mapalad na nakapag aral sa Mater Divinae Gratiae College. Naging full-payment scholar ako ngunit, kailangan kong maging working student, para manatiling scholar. Naglilinis ako sa classrooms, library, school backyard. Mahirap, nakakapagod ngunit kailangan kong magsakripisyo dahil sabi ko sa sarili ko “ito na ang simula ng katuparan ng mga pangarap kong makapagtapos ng pag aaral at maging isang huwarang guro.”
As a student, she also had to find the time to study, take care of her kids, manage her finances, and work. However, this did not daunt or stop her. “Sabay-sabay kaming nag aaral ng mga anak ko, kailangan kong alagaan sila nangg mabuti kahit nag aaral ako, bigyan ng atensyon ang kanilang personal na pangangailangan mula sa akin bilang kanilang ina. Dumating ang panahong walang wala na kami kahit pambili ng bigas at laking pasasalamat ko noon na iyon ang time na nag-payout ang 4Ps, nasabi ko “totoo talaga na pantawid ang programang ito, sa panahon ng kawalan sila ang nagtawid sa mga pangunahing pangangailangan.””
Soon, her hard work and dedication paid off, and she was able to graduate. “Makapagtapos ako ng pag-aaral, sa awa ng Panginoon, I passed the Licensure Examination in just one take. Glory belongs to God! Nag-apply ako sa DepEd, at sadyang kay buti ng ating Panginoon at ako ay natanggap agad.”
Jovelyn is now living her dream as she teaches in her Alma Mater, where she also works as the 4Ps coordinator which is her way of giving back to the help of the program to her family.
She and her family are living their best life, “Praise God, kahit papaano hindi na po kami nagpapalipat-lipat ng tirahan. May sarili na po kaming bahay at lubos po ang aking pasasalamat binalikan kami ng asawa ko kasabay ang pagbabago niya. May kaunting kabuhayan na rin po kami.”
…QRS, TUV, WX, Y and Z. Now I know my ABCs, next time won’t you sing with me?
(credits: DSWD 4Ps ML Arianne Pomasin)