Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Eastern Visayas State University (EVSU) – Main Campus ngayong Abril 27, 2024.

Ang Pay-out and Culmination Activity na ito ay kaugnay sa pagtatapos o pag kompleto ng work timeframe ng mga college graduates beneficiaries sa ilalim ng Cash-for-Work for College Graduates program kung saan sila ay nakatanggap ng Certificate of Completion.

Matatandaan na ang mga napiling benepesyaryo ay ang mga college graduates ng school year 2022-2023 mula sa EVSU – Main Campus.

Kalakip din sa aktibidad ang pagbibigay ng mensahe ng mga benepesyaryo kung saan lubos ang kanilang pasasalamat sa programa dahil ilan sa kanila ay na absorb o na-employ kung saan sila naitalaga bilang cash-for-work employee. Ito naman ay lubos na ikinagalak ng departamento dahil ito ay patunay na naging matagumpay ang implementasyon ng nasabing programa.

Nagsagawa naman ng pay-out sa 352 beneficiaries ang KALAHI-CIDSS kung saan ibinigay ang kanilang nalikom na sweldo para sa Abril 1-15 na pagtatrabaho.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD