Nagsagawa kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng malawakang distribusyon ng P5,000 na financial assistance sa mga magsasaka sa Palo, Leyte. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi ang DSWD ng P6,885,000 sa 1,377 na mga benepisaryo.
Ang tulong-pinansyal na ito ay bahagi ng Farmers’ Assistance for Recovery and Modernization (FARM) program. Ang FARM ay tulong-tulong na ipinapatupad ng DSWD, National Food Authority (NFA), Department of Agriculture (DA), at iba pang partner agencies upang tulungan ang mga magsasaka sa kanilang mga gastusin.