ALAM MO BA: Nasa 282,725 Pantawid households ang nakadalo ng Family Development Sessions (FDS) sa ilalim ng DSWD 4Ps sa Eastern Visayas Region ngayong taong 2024.

Ang Family Development Session (FDS) ay naglalayon na palakasin ang kakayahan ng mga Pantawid households, partikular na ang mga magulang o grantees, na mas maging matugon sa mga pangangailangan sa kalusugan at edukasyon ng mga anak. Sa papamagitan din ng pagdalo ng mga household o sambahayan sa FDS ay magkaroon sila ng kamalayan sa isyung panlipunan at maging kabahagi sa mga aktibidad sa pagpapaunlad ng pamayanan.

Ang pagdalo sa Family Development Session ay isa sa mga conditionalities ng programa. Ito ay isinasagawa at sinusubaybayan kada buwan ng City/ Municipal Links sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner national government agencies, national government organizations, civil society organizations at local government units LGU para sa paksang kailangang talakayin.

Ang FDS din ay nagsisilbing lugar kung saan ang mga alalahanin o concerns ng mga benepisyaryo patungkol sa programa ay maipaabot.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

(photo credits: DSWD 4Ps ML Eunice Reyes/MOO Caibiran)