TINGNAN | Sinimulan na sa Libagon at San Ricardo Southern Leyte ang aquaculture at communal garden na sub-projects, sa ilalim ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished).
Ang 121 at 145 na partner-beneficiaries mula sa dalawang lokal na pamahalaan ay magtatrabaho sa loob ng labin-limang araw at kikita ng minimum wage rate sa rehiyon sa bawat araw. Sa pagpapatupad ng programang ito inaasahang mapaghandaan ang ang kakulangan sa pagkain at tubig partikular na sa banta ng La Niña at El Niño.
Sa isang panayam ibinihagi ng 79-anyos na si Felipe Zaldivar, mula sa Libagon Southern Leyte kung gaano kalaki ang tulong ng proyektong ito sa mga katulad niyang mag-isang tinataguyod ang sarili at inaasahang may mapagkunan ng suplay ng pagkain at tubig sa pangaraw-araw.