TINGNAN: Nilunsad ngayong araw, Hunyo 13, 2024 ang Walang Gutom 2027 o Food Stamp Program dito sa Alangalang, Leyte.

Pinangunahan ang aktibidad at simula ng balidasyon sa mga potential na benepisyaryo ni Mayor Lovely Yu-Castro ng Alangalang, Leyte, Undersecretary Eduardo M. Punay at Regional Director Grace Q. Subong, ARD for Operations Antonio Dolaota, at MSWDO Marilyn Superada.

Layunin ng programa na mabawasan ang gutom sa mga kabahayan na may mababang kita sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards.

Ang EBT cards ay maaring gamitin upang bumili ng mga pagkain mula sa partner merchants stores.

Umabot sa 956 ang kabuuang target sa ibat-ibang barangay ng Alangalang, Leyte ang makakabenipisyo sa nasabing programa.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD