Kaugnay sa implementasyon ng Community Generative Actions for Reformative Development and Ending Poverty and Hunger o Community GARDEN PH sa rehiyon, pinasinayaan ang Community Development Sessions Graduation Day ngayong araw, June 13, 2024, sa bayan ng San Miguel, Probinsya ng Leyte.
Pinangunahan nina DSWD Director Marcelo Nicodemes J. Castillo, Director V- Special Assistant to the Secretary for Innovations, DSWD FO VIII Regional Director, Grace Q. Subong, Mr. Leio Nitho Caliba, DSWD FO VIII Social Technology Unit Head, at Atty. Norman Sabdao, Municipal Mayor ng San Miguel, Leyte ang pagpapasinaya sa nasabing graduation day.
Ang aktibidad na ito ay naging resulta ng isang transpormatibo at community-driven initiative na naglalayong sugpuin ang isyu ng pagkagutom sa tulong ng prinsipyo ng diligence, self-help and cooperation— hango sa mga prinsipyo ng Saemaul Undong (SMU) o New Village Movement Model of Korea.
Ang graduation day na ito ay simbolo ng aktibong pakikiisa at kolaborasyon na nahubog sa pagitan ng mga benepisyaryo ng programa, Local Government Unit (LGU) ng San Miguel, ng DSWD, at iba pang stakeholders.