Nakiisa ang DSWD Field Office VIII sa paggunita ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Sabay-sabay na nag-𝐝𝐮𝐜𝐤, 𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫, and 𝐡𝐨𝐥𝐝 ang kawani ng ahensya bilang tugon at paghahanda sa banta ng lindol. Kasama sa pagsasanay ang pagrescue at first-aid bilang paunang lunas sa mga biktima o naaksidente.
Ang NSED ay isang pagsasanay na ginagawa bilang paghahanda sa lindol. Isinasagawa ito bawat quarter ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga Local Government Units, mga pribado at mga non-government na organisasyon. Layunin nitong masanay ang lahat ng mga kalahok sa mga dapat gawin kung lumindol. Kasama dito ang pagsasagawa ng 𝐃𝐮𝐜𝐤, 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫 and 𝐇𝐨𝐥𝐝.
𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐢𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐧𝐝𝐨𝐥!