Pinangunahan ng 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 ng DSWD Field Office VIII ang pagsasanay sa 𝐂𝐚𝐦𝐩 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 and 𝐂𝐚𝐦𝐩 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐂𝐂𝐂𝐌) and 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐩𝐥𝐚𝐜𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐈𝐃𝐏𝐏) na nilahukan ng dalawampu’t-apat (24) na miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) mula sa San Jorge, Samar.
Isinagawa ang training sa San Jose, Tacloban City, na naglalayong magbahagi ng kaalaman at karanasan sa tamang pangangasiwa ng evacuation centers at pangangalaga sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) o mga nagsisilikas tuwing may sakuna.
Bilang bahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tungkulin ng DSWD na magbigay ng technical assistance, tulad ng mga training na ito, sa mga Local Government Units at iba pang partners upang mas maging handa sa pagharap sa mga sakuna.
Patuloy naman ang pagbibigay ng technical assistance ng ahensya sa tuwing kinakailangan ng mga lokal na pamahalaan.