Matagumpay na isinagawa ang Ceremonial Signing ng Walang Gutom Program na pinangunahan ni Mayor Remedios L. Petilla ng Palo, Leyte, Undersecretary for Innovations and Project Development Cluster, Concurrent National Program Director of the Walang Gutom Program Usec Eduardo M. Punay, Assistant Secretary for Innovations and Project Development Cluster Asec Baldr H. Bringas, Regional Director Grace Q. Subong, katuwang ang partner service providers at merchants CEO Jay P. Son ng DIGIPEP OPC at Ms. Evelyn Cardines, Manager of Leyte Area Multi-Purpose Cooperative (LAMPCO).

Layunin ng programa na mabawasan ang gutom sa mga kabahayan na may mababang kita sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na naglalaman ng 3,000 pesos na gagamitin upang bumili ng masustansyang mga pagkain mula sa partner merchants stores.

Umabot naman sa 152 pamilya ang nakabenipisyo sa nasabing programa.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng Walang Gutom Program sa loob ng tatlong taon upang masiguro na bawat kabahayan na my mababang kita ay mabibigyan ng sapat na benipisyo mula sa programang ito.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD