TINGNAN | 650 FFPs ipinamahagi ng DSWD FO VIII sa mga apektado ng bagyong “Enteng” sa Biri, Northern Samar
Naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII ang 650 food packs para sa mga naiulat na pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Enteng” sa Biri, Northern Samar. Pinangunahan ni Mayor Amelita Delos Reyes, kasama ang Municipal Action Team (MAT) Biri, mga opisyal ng barangay, at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Biri, ang distribusyon.
Para sa relief operations sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.