Patuloy ang isinasagawang produksyon ng Family Food Packs (FFPs) sa DSWD Field Office VIII bilang tugon sa mga nasalanta ng Bagyong “Enteng” at paghahanda para sa iba pang posibleng saksuna.
Sa kasalukuyan, may nakahandang 90,812 FFPs at 29,401 non-food items ang ahensya na nakahanda kung kinakailangan ng ugmentasyon ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon. Binubuo ng 5,577 hygiene kits, 5,099 kitchen kits, 6,067 family kits, 6,013 sleeping kits, at 6,645 iba pang kits tulad ng modular tents, malong, at mosquito net ang mga nasabing non-food items.
Samantala, patuloy din ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na paghatid ng relief augmentation.