Hindi nga biro ang isinagawang pagtatanim ng tatlumpung-isang (31) benepisyaryo mula sa Brgy. Sabang, Oras Eastern Samar. Ni-resiklo nila ang mga bao ng niyog bilang taniman ng mga gulay at malikhaing binuo ang pangalan ng kanilang barangay gamit ang mga kawayan na nagsilbing bakod ng kanilang mga pananim.

Ilan sa mga halamang gulay na naitanim ng mga benepisyaryo ay ang sitaw, pechay, talong, okra, at gabi na patuloy na tumutulong sa komunidad partikular na sa pagpapanitili ng pagkaing masustansya. Patunay lamang ang proyektong ito sa mga mabuting naidulot ng Project LAWA at BINHI sa Eastern Visayas.

#projectlawaatbinhi

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD