Nagsagawa ang DSWD Field Office VIII kamakailan ng simultaneous distribution ng financial assistance sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Katuwang ang mga partners at stakeholders, namahagi ang DSWD ng P5,000 financial assistance sa 14,428 na mga benepisaryo mula sa iba’t-ibang bahagi ng Rehiyon. Sa pinakahuling tala (Setyembre 13, 2024), nakapamahagi ang DSWD ng P72,140,000.00.

Ang AKAP ay isang programa na naglalayong tumulong sa mga low-income, at mga minimum wage earners na labis na naapektuhan ng inflation, o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pamamahagi ng AKAP.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD