TINGNAN | Nagpaabot ang DSWD Field Office VIII ng mga family food packs sa 6,718 pamilyang apektado ng Bagyong “Enteng” sa Oras, Eastern Samar bilang tugon sa kanilang pangangailangan sa pagkain. Katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tulong-tulong na ipinamahagi ng mga “Angels in Red Vests” ang tulong sa mga apektado.