Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII ng 929 Family Food Packs sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng habagat na pinalakas ng Bagyong “Bebinca” at Bagyong “Gener.”
Karamihan sa mga naapektuhan ay mga mangingisda na tinamaan ng malakas na ulan at naapektuhan ang kabuhayan. Ang tulong na ito ng DSWD ay bahagi ng relief augmentation efforts ng ahensya sa mga apektado ng anumang sakuna.
Para sa relief augmentation sa inyong lugar, patuloy na makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.