Namahagi kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng financial assistance sa San Francisco, Southern Leyte. Bahagi ito ng patuloy na isinasagawang distribusyon ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) . Katuwang ang mga partners at stakeholders, nakapamahagi ang DSWD nitong ayuda sa 667 na mga benepisaryo.
Patuloy na makipag-ugnayan sa inyong lokal na opisyal para distribusyon sa inyong lugar.