Isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office VIII sa pamamagitan ng inisyatibo ng Local Government Unit ng Burauen, para sa mga magulang, Day Care Workers at Solo Parents sa ilalim ng Parent Effectiveness Service (PES) Training.

Ito ay isang programa na naisabatas sa ilalim ng R.A. 11908 o sa mas kilalang Parent Effectiveness Service (PES) Program Act. Kabilang dito ang siyam na modules tulad ng ‘Ako Bilang Tao at Magulang’, ‘Ang Pamilyang Pilipino’, ‘Mga Hamon ng Pagiging Magulang’, ‘Pagtutok sa Kaligtasan ng Inyong Anak Mula sa Pang-Aabuso’, ‘Pagtatag ng Positibong Pag-uugali ng Mga Bata’, at at iba pa, na naglalayong matulungan ang mga magulang sa kanilang mga responsibilidad.

Ang mga kaalaman at kasanayang ito ay makakatulong sa mga magulang, Day Care Workers at Solo Parents upang mas maging epektibo at tiyak sa kanilang mga tungkulin bilang tagapag-alaga at guro sa mga bata. Ang aktibidad na ito ay nag-uudyok ng isang suportadong komunidad sa panahon ng pagdiriwang ng Family Week Celebration.

#familyweek2024

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD