KALAHI-CIDSS: Groundbreaking Ceremony for the Construction of Multi-Purpose Building in Brgy. Amagusan, Anahawan, Southern Leyte

Sa ilalim ng KALAHI-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay- Community-Driven Development (KALAHI-CIDSS KKB-CDD), isinagawa ang isang Groundbreaking Ceremony para sa pagpapatayo ng Multi-Purpose Building bilang KALAHI-CIDSS Subproject sa Brgy. Amagusan, Anahawan, Southern Leyte noong ika-2 ng Oktubre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Area at Municipal Coordinating Team ng Anahawan, kasama ang mga community volunteers ng programa at suporta mula sa Barangay at Municipal Local Government Units.

Bilang produkto ng Community-Driven Development o CDD approach, ang nasabing subproject ang natukoy na maipatayo ng komunidad bilang tugon sa kanilang pangangailangang magkaroon ng maayos na pasilidad para sa pagpapatuloy ng pagbibigay-serbisyo sa kanilang barangay.

Tinatayang aabot sa Php 4,332,961.53 ang kabuuang halaga ng sub-project na ito kung saan mayroong Php 45,000.00 na halaga ng Local Counterpart Contribution o LCC mula sa BLGU ng Amagusan.

#MagKalahiTayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD