Lagi’t lagi, para kay Lolo at Lola.
Nakiisa ang DSWD Field Office 8- Eastern Visayas sa pagdiriwang ng taunang Elderly Filipino Week o Linggo ng Nakatatandang Pilipino na may temang: “Senior Citizens: Building the Nation, Inspiring Generations,” noong Oct. 4, 2024, sa Tacloban City.
Napuno ng kasiyahan at panibagong kaalaman ang naging selebrasyon na dinaluhan ng ilan sa mga Social Pension Program Beneficiaries ng Tacloban City, miyembro ng Tacloban City Federation of Senior Citizens Association (TACFESCA) at Senior Citizens Association of Tacloban City Inc. (SCATCI), at Office of the Senior Citizens Affairs-Palo.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang usapin na nakaka-apekto sa kapakanan ng mga senior citizens. Dumalo ang ilang representate mula sa National Commission of Senior Citizens- Region VIII (NCSC-RO VIII), Ms. Asther Dadulla, na nagbigay ng diskusyon sa mga programa at serbisyo ng kanilang ahensya; Dr. Mae Christine Agatha Q. Bodo-Bernabe, mula sa Geriatric Medicine Section ng Eastern Visayas Medical Center (EVMC) na nagbigay din ng diskusyon hinggil sa usaping, “Staying Relevant in an Aging Society,” at Mr. Chaddie Estudillo, mula sa Department of Information and Communication Technology-Regional Office VIII (DICT RO VIII) tungkol naman sa “Cybersecurity Essential of Senior Citizens”.
Ang Elderly Filipino Week ay alinsunod sa Proclamation No. 470 na binigyang bisa ng noo’y Pres. Fidel V. Ramos upang ipagdiwang at bigyang pagkilala ang mga natatanging kontribusyon ng bawat senior citizens sa kaunlaran at kalinangan ng ating bansa.
Muli, Happy Elderly Filipino Week, mga Lolo at Lola!