Iginawad ng DSWD Field Office 8- Eastern Visayas ang natatanging centenarian gifts sa tatlong (3) Centenarians mula sa Probinsya ng Leyte ngayong araw, Oktubre 6, 2024.

Iginawad kina Lola Cesaria mula sa bayan ng San Miguel; Lola Anita mula sa bayan ng Carigara; at Lola Josefa mula sa bayan ng Palompon ang liham ng pagbati mula kay Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanilang pagtungtung ng natatanging edad at longetivity ng buhay at ang centenarian cash gift na nagkakahalagang Php100,000.00 mula sa ahensya.

Samantala, nakiisa at nagbigay din ng kanilang regalo para sa mga centenarians ang National Commission of Senior Citizens- Regional Office VIII (NCSC-RO VIII) at ilan sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng mga nasabing bayan sa paggunita ng aktibidad.

Sina Lola Cesaria, Lola Anita, at Lola Josefa ay tatlo lamang sa pitumpo’t anim (76) na mga centenarian na target na mahandogan ng nasabing pribilehiyo sa buong rehiyon otso.

Ang National Respect for Centenarians Day ay isang aktibidad alinsunod sa pambansang selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa buong Pilipinas na naglalayong ipagdiwang at kilalanin ang mga kontribusyong inialay ng mga nakatatanda sa pag-unlad at paglinang ng ating bansa. Ito ay ginugunita tuwing unang Linggo ng buwan Oktubre.

Muli, Happy Elderly Filipino Week, mga Lolo at Lola!

#BawatBuhayMahalagasaDSWD
#NationalRespectforCentenariansDay