Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 sa pagpapatupad ng Walang Gutom Program (WGP). Katuwang ang mga Local Government Units (LGU) at iba pang mga partner agencies, kasalukuyang nagsasagawa ng redemption ang mga benepisaryo ng WGP sa iba’t-ibang mga munisipyo.

Sa pinakahuling tala, 47 na mga benepisaryo ang nakapag-redeem ng kani-kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT) Cards ngayong araw, Oktubre 9, 2024. Kabilang dito ang 6 mula sa Burauen, 4 mula sa Dulag, 25 mula sa Dagami, 1 mula sa Tabontabon, at 11 mula sa Julita.

Ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ay isang program ng DSWD na naglalayong mabawasan ang gutom lalo na sa mga low-income households sa pamamagitan ng pamamahagi ng monetary-based assistance na ipinapasok sa mga EBT Cards. Maaaring gamitin o i-redeem itong mga EBT cards para bumili ng pagkain mula sa mga partner merchant stores.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD