Nakahanda na ngayon ang Mobile Command Center ng Department of Social Welfare and Development Field Office 8 sa pangunguna ng Disaster Response Management Division (DRMD) bilang tugon kung sakaling mangailangan ng tulong ang mga apektadong lugar dulot ng Bagyong Kristine.
Kasalukuyang nakaantabay sa Regional Resource Operation Center ang nasabing sasakyan na nilagyan ng kagamitan ng Information and Communications Technology na naglalayong panatilihin ang maayos na komunikasyon sa panahon ng mga sakuna/kalamidad.
Tinitiyak ng MCC ang tuluy-tuloy, epektibo, maaasahan, at napapanahong pang-emerhensiyang suporta sa telekomunikasyon sa iba’t ibang disaster operation and relief inventory information sa rehiyon.