Aabot sa 4,089 benepisyaryo ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency Through Nutritious Harvest for the Impoverished). Kabilang sa mga natulungan ay mga magsasaka, mangingisda, nakatatanda at iba pang sektor ng lipunan na pinaka-apektado ng pagbabago ng klima at kahirapan.

Pinakamalaking sektor na natulungan ang mga magsasaka at mangingisda na binubuo ng 38.6% ng kabuuang benepisyaryo o 1,582 katao. Kasama rin sa mga natulungan ang mga 4Ps beneficiaries na may 18% bahagi o 745 na benepisyaryo, mga out-of-school youth (7.8%), solo parents (16.2%), mga persons with disability (0.5%), at mga kabilang sa Listahanan poor (1%). Binubuo naman ng 52% kalalakihan at 48% kababaihan ang mga benepisyaryo ng proyekto.

Layunin ng proyekto na tulungan ang bawat sektor sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa pagtatanim at pagbubuo ng mga proyektong nakakatulong na matugunan ang kakulangan sa pagkain at tubig.

Sa pagpapatuloy ng kagawaran sa ganitong mga inisyatibo, tiyak na mas marami pang komunidad ang mabibigyan ng sapat na suporta upang makamtan ang mas matatag na kinabukasan.

#projectlawaatbinhi

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD