Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Indigenous People’s Month ngayong buwan, iginawad ng DSWD Field Office 8- Eastern Visayas ang Php100,000.00 cash gift sa isang centenarian na kabilang sa isang Indigenous People’s (IP) Community sa Burauen, Leyte.

Si Lolo Bernal, dating tribal chieftain ng Mamanwa Tribe, indigenous people’s group na naitatag sa nasabing probinsya ang natatanging benepisyaryo na kabilang sa nasabing komunidad na ginawaran sa rehiyon otso ngayong taon.

Bukod pa sa Php100,000.00 centenarian gift na kanyang natanggap, inihandog din sa kanya ang letter of felicitation mula kay Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtungtung niya ng katangi-tanging edad. Kaugnay nito, nakatakda rin syang makatanggap ng cash gift mula sa kanyang Lokal na Pamahalaan sa susunod na mga buwan.

Nakiisa at naging saksi sa isinagawang seremonya ang ilan sa mga representante ng Lokal na Pamahalaan ng Burauen, kasama ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at ang Federation of Senior Citizens nito, at ng National Commission of Senior Citizens- Regional Office VIII.

Si Lolo Bernal ay isa lamang sa apat napu’t siyam (49) na mga centenarian na nahandogan ng parehong pribelihiyo sa kasalukuyang huling kwarter ng taon.

#BawatBuhayMahalagasaDSWD
#IndigenousPeoplesMonth