Sa kauna-unahang pagkakataon, itatayo ang isang Multipurpose Center bilang KALAHI-CIDSS subproject sa Brgy 88, San Jose, Tacloban City kung saan ay nagsagawa ng isang Groundbreaking Activity kasama ang Barangay Local Government Unit at mga community volunteers ng nasabing lugar para sa pagsisimula nito noong ika-7 ng Nobyembre 2024.

Sa pamamagitan ng Community-Driven Development approach ng programa, ito ang natukoy na proyekto ng komunidad bilang bilang tugon sa kanilang pangangailangang magkaroon ng maayos na pasilidad para sa pagpapatuloy ng pagbibigay-serbisyo sa kanilang barangay.

Sa ilalim ng KALAHI-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay- Community-Driven Development (KALAHI-CIDSS KKB-CDD), ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Area at Municipal Coordinating Team ng Tacloban, at mga kinatawan mula sa KALAHI-CIDSS National Program Management Office, DSWD Field Office VIII, at City Government ng Tacloban.

Tinatayang aabot sa Php 20,015,000.00 ang kabuuang halaga ng sub-project na ito kung saan mayroong Php 105,000.00 na halaga ng Local Counterpart Contribution o LCC mula sa BLGU ng Brgy. 88 na makapagbibigay-serbisyo sa 898 households ng komunidad.

#MagKalahiTayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD