Ako, tayo, sila, lagi’t lagi para sa bata.
Ito ang pahayag sa isinagawang kick-off activity para sa 32nd National Children’s Month, kung saan nakiisa ang Department of Social Welfare and Development Eastern Visayas.
Katuwang ang mga partner agencies gaya ng Philippine National Police, Regional Alternative Child Care Office, National Authority for Child Care, National Nutrition Council at iba pang mga Non-Government Agencies, nagpahayag ang DSWD, sa pangunguna ni Regional Director Grace Q. Subong, ng buong suporta nito sa mga karapatan ng kabataan.
Ang tema ng National Children’s Month ngayong taon ay “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines.” Layunin ng pagdiriwang na ito na wakasan ang mga insidente ng karahasan at pang-aabuso sa mga kabataan.