TINGNAN: Nakapamahagi ang DSWD Field Office 8 ng 1,000 na Family Food Packs para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine sa Sto. Niño, Samar.
Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, mga de lata, limang powdered cereal drink, at limang sachet ng kape. Sapat ito para sa pangangailangan ng isang pamilyang may apat hanggang limang miyembro para sa dalawa hanggang tatlong araw.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga naapektuhan na mga Local Government Units. Para sa disaster relief operations sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#KristinePH
DSWD Samar Sub-field Office