Sa pinakahuling episode ng DSWD Eastern Visayas TV na ipinalabas sa PRTV Tacloban, itinampok ang Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency Through Nutritious Harvest for the Impoverished) ng DSWD Field Office VIII.

Ayon sa datos, 4,089 partner-beneficiaries ang nakibahagi sa nasabing proyekto, kung saan mahigit ₱30 milyon ang naipamahagi, sa ilalim ng Cash for Work/Training modality.

Kasabay nito, naibahagi din sa programa ang mga serbisyo ng ng Disaster Response Management Division ng ahensya, partikular na ang relief augmentation bilang tugon sa mga sakuna.

Isa itong hakbang upang mas maipaliwanag at maiparating sa publiko ang mga layunin at programa ng DSWD.

#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD