TINGNAN: Dagdag impormasyon sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Walang Gutom Program sa Region 8 ang ginanap na mga Nutrition Education Session (NES) sa iba’t-ibang munisipalidad sa rehiyon!
Umabot sa 335 na benepisyaryo ang nagtipon-tipon sa mga NES sites sa probinsiya ng Leyte upang talakayin ang Modules 1 at 2. Samantala, ginanap din ang NES sa Capul, Northern Samar, at Naval, Biliran.
Layunin nito na mabigyang linaw ang kahalagahan ng tatlong food group sa tamang nutrisyon, at upang gabayan ang mga benepisyaryo ng wastong meal planning. Isa sa program conditionalities o requirement sa mga benepisyaryo ang pagdalo ng NES.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#WalangGutomProgram
#SaBagongPilipinasWalangGutom