Pormal nang na naturn-over ng DSWD Field Office 8 – Eastern Visayas Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay-Community Driven Development (KALAHI-CIDSS KKB-CDD) ang isang Newly Constructed Tide Embankment subproject sa mga mamamayan ng Brgy. Bato, Biliran, Biliran noong ika-25 ng Pebrero 2025.

Ang nasabing sub-project ay produkto ng bayanihan ng mga community volunteers at community members ng nasabing barangay sa ilalim ng Community-Driven Development o CDD approach ng programa upang matugunan ang kanilang isyung pangkaligtasan sa panahon ng kalamidad.

Itinatayang aabot sa Php 6,339,407.00 ang kabuuang halaga nito kung saan mayroong Php 105,000.00 na Local Counterpart Contribution mula sa Local Government Unit ng Biliran.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga community volunteers, Area Coordinating Teams (ACTs), Municipal/Barangay Local Government Units (M/BLGUs), at representatives mula sa KALAHI-CIDSS Regional Program Management Office.

#MagKalahiTayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD