Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-8 sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pag-ulan bunsod ng shear line sa Sulat, Eastern Samar.
Sa ngayon, 922 family food packs (FFPs) na ang naipamahagi ng ahensya sa lokal na pamahalaan, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Magpapatuloy ang distribusyon ngayong araw upang makumpleto ang 3,850 FFPs, bilang augmentation support sa apektadong lugar.
Samantala, patuloy naman ang koordinasyon ng ahensya sa iba pang lokal na pamahalaan upang matiyak ang agarang tulong sa mga nangangailangan.























