Aabot sa 9,292 family food packs ang naipaabot ng ahensya bilang augmentasyon sa mga lokal na pamahalaan ng Eastern Samar at tugon sa mga pamilyang apektado ng pag-ulan at pagbaha dulot ng Shear line sa rehiyon.

Kabilang na dito ang mga LGU’s ng:

Taft, Eastern Samar – 1700 family food packs

Can-Avid, Eastern Samar – 1,778 family food packs

San Policarpo, Eastern Samar – 1, 700 family food packs

Borongan City, Eastern Samar- 4,114 family food packs

Sa ngayon, nagpapatuloy ang koordinasyon ng ahensya sa iba pang LGUs upang matiyak na mabigyan ng tulong ang iba pang nangangailangan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD