Sa panguguna ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO-8, katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa Eastern Samar, nagpapatuloy ang isinasagawang relief operation at pagbibigay ng family food packs sa mga pamilya na apektado ng pagbaha.

Sa pinakahuling tala, 3,171 na family food packs ang naipamahagi ng ahensya sa tulong MSWDO, MDRRMO at MAT members sa lokal na pamalahaan ng Dolores, Lawaan at Taft, Eastern Samar.

Samantala, nagpa-abot din ng kinahon-kahon na FFPs sa Mercedes at Lawaan, Eastern Samar upang karagdagang augmentation support at magkaroon ng sapat na food assistance ang mga nangangailangan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD