Tunghayan ang isang makabuluhang kwento sa likod ng implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa lokal na pamahalaan ng Lapinig, Northern Samar kung saan ay maaaring maitanim ang seaweed sa karagatan.

Kakaiba ang naipamalas na pagtatanim ng mga benipisyaryo sa pamamagitan ng pagkakabit ng seedlings nito sa mga lubid o linya na tumutubo nang patayo.

Ito ay parte sa nagpapatuloy na layunin ng programa na malabanan o maibsan ang epekto ng pabago-bagong klima at masiguro na mayroong sapat na tubig at pagkain na mapagkukunan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#projectlawaatbinhi