Katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan at mga partner merchants, nakapagsagawa kamakailan ang DSWD FO 8 ng Food Redemption activities sa Eastern Samar, kung saan 45 na mga benepisaryo mula sa Quinapondan at 50 mula sa Lawaan ang matagumpay na nakapag-redeem ng pagkain gamit ang kanilang mga Electronic Benefit Transfer (EBT) Cards.

Bahagi ang redemption na ito sa patuloy na implementasyon ng DSWD FO8 sa Walang Gutom Program. Ngayong Marso, layunin ng programa na makatulong sa 11,589 na mga benepisaryo.

Ang Walang Gutom ay isang flagship program ng gobyerno na naglalayon na matugunan ang gutom na nararanasan ng mga pamilya dahil sa mababang kita.

📸 WGP

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD