TINGNAN: Nagpapatuloy ang DSWD Field Office 8 sa pagsasagawa ng Food Redemption Activities sa ilalim ng Walang Gutom Program.

Kamakailan, nagsagawa ang DSWD FO8 ng Food Redemption Activity sa Sta. Fe, Leyte; kung saan 156 na mga benepisaryo ang nakapag-redeem ng pagkain gamit ng kanilang mga Electonic Benefit Transfer (EBT) Cards. Katuwang sa nasabing aktibidad ang Lokal na Pamahalaan at ang partner merchants.

Ang Walang Gutom ay isang flagship program ng gobyerno na naglalayon na matugunan ang gutom na nararanasan ng mga pamilya dahil sa mababang kita.

📸 WGP

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD