Php 5,715,000.00 na kabuuang pondo ang naipamahagi sa 1,905 benepisyaryo ng Social Pension Program sa Almeria, Biliran, noong Marso 26-27, 2025.
Alinsunod sa implementasyon ng One-Transfer of Funds sa mga Local Government Units (LGUs), ipagpapatuloy ang social pension payout matapos ang election ban para sa lokal at pambansang eleksyon.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII at mga LGU upang maisaayos ang mga kinakailangang dokumento at matiyak na maisakatuparan ang regular na payout ayon sa itinakdang iskedyul.



