“Mas madali po ngayon kasi cellphone na lang, samantala noon malayo kami, namamasahe pa.”
Ito ang naging pahayag ni Cresilda Coles Ayon, isang buntis na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary mula sa Brgy. 4, Giporlos, Eastern Samar.
Isa si Cresilda sa mga 4Ps beneficiaries na matagumpay na nakapagrehistro at nakapag-update ng kanyang impormasyon gamit ang i-Registro web portal. Dagdag pa niya, basta may cellphone at internet lang, mas madali na ang proseso.
Patuloy na hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga 4Ps beneficiaries na buntis at/o may anak na 0-24 months na magparehistro gamit ang i-Registro web portal (iregistro-4ps.dswd.gov.ph) bilang bahagi ng implementasyon ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
