Isang buhay na patunay ng tagumpay ang Barangay Mahalo sa Anahawan, Southern Leyte sa ilalim ng Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished o Project LAWA at BINHI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII.

Sa tulong ng proyekto, nakapagsagawa ang komunidad ng 500 square meter na communal garden na tinamnan ng halamang-ugat, pati na rin ng mga gulay tulad ng sitaw, okra, at ampalaya na ngayon ay inaani na ng mga benepisyaryo. Samantala, isang hiwalay na 200 square meter na lawa o fish pond naman ang ginawa mula sa dating palayan. Ito ngayon ay may lamang tilapia na maaari nang pagkunan ng pang-ulam at dagdag-kita ng mga pamilya sa barangay.

“Biyaya sa lawa, binhi mula sa lupa,” ganito mailalarawan ang bunga ng inisyatibong ito. Sa pagtutulungan ng DSWD Field Office VIII, ng lokal na pamahalaan ng Anahawan, at ng sama-samang pagkilos ng mga benepisyaryo, matagumpay na naibangon ang isang produktibong espasyo para sa masustansyang ani at mas matatag na kabuhayan.

Ang kwento ng Barangay Mahalo ay isa lamang sa maraming patunay na ang Project LAWA at BINHI ay nagsisilbing binhi ng pag-asa at tunay na pagbabago para sa mga komunidad sa Silangang Visayas.

#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD