December 9 – This is a special day for DSWD Regional Director, Restituto Macuto, as he celebrates his birthday on this day in the remote municipality of Pambujan in Northern Samar province. Addressing young leaders in the opening day of the Youth Congress, he tells about his struggles during childhood, while at the same time, citing education as one important right of the child.
He also tells them to be the voice for their fellow young people in advocating for their rights – the right to be protected from abuse and exploitation, the right to have a home with an atmosphere of love and care, among others. Moreover, the DSWD regional chief exhorted them to report cases of domestic violence to authorities.
Director Macuto also encouraged the youth to be involved on matters affecting the youth such as drug abuse, climate change, criminality, and human trafficking. “The PYAP (Philippine Youth Association of the Philippines) is a formidable instrument for change,” he said in Filipino.
Below is the full – length speech of Director Macuto.
“ Magandang araw sa ating mga kabataan, mga kaagapay sa Kaunlaran, at mga panauhin sa pagtitipon na ito. Ako ay nagagalak at inimbita ninyo ako dito sa inyong Youth Congress, sa araw ng aking kaarawan. Walang pag-atubili kong tinanggap pagka’t naisip ko, ito ang na yata ang magiging pinaka – meaningful birthday celebration ko. Ang mga kabataan ay espesyal sa akin kung kaya’t gusto ko e-share ang oras ko sa espesyal na araw na ito sa inyo.
Mga bata, meron akong gusto ibahagi sa inyo ukol sa buhay ko. Ang kinalalagyan ng iba sa inyo ngayon ay di nagkakalayo sa akin. Ako rin ay laki sa kahirapan, ngunit laki sa pagmamahal ng aking pamilya. Bata pa ako ay naghahanap buhay na ako. Maniwala kayo o hindi, ako ay naglalako noon ng kangkong at kung ano – ano, para makatulong sa aking mga magulang sa aking mga pangangailangan sa pag – aaral. Sa labis na pagsusumikap, heto na ako ngayon, namumuno ng napakalaking departamento dito sa Rehiyon Otso.
Hindi ko sinasabi na maghanapbuhay para sa ikabubuhay ng pamilya ninyo, pagka’t bilang bata karapatan ninyo ang EDUKASYON ! Ito ay isa sa mga Rights of the Child na nakatalaan sa kasunduan ng mga internasyonal na organisasyon na kung saan ang Pilipinas ay isang miyembro.
Mga bata, ipaglaban ninyo ang inyong mga karapatan ! Ang BOSES ninyo ay may malaking impluwensiya, hindi lang para sa inyong kabutihan kundi para sa comonidad. Isa sa mga karapatan ninyo ay magkaroon ng isang pamamahay na ang naghahari ay pagmamahal ng bawa’t isa sa pamilya. Karugtong ng karapatan na ito ay maging protektado kayo sa anumang “harm” o sakit tulad ng pang-aabuso, pangagamit, pabaya at diskriminasyon. Nakakalungkot at kung sino pa ang dapat magbigay ng proteksyon ay siya pang nanakit. Maraming kaso ng domestic violence ang umaabot sa aming opisina. Nagagalak naman kami at ang ating mga mamamayan ay natuto ng makialam sa mga ganoon na problema ng pamilya.
Kayo rin, mga bata, mag-report kayo sa social welfare, sa pulis, o media ang anumang mga karahasang nangyayari sa inyong bahay o karatig bahay. Magtulong – tulong tayo; huwag natin hayaan ang mga ganoong pangyayari. Simula noong Nobyembre 25 at nagtapos ng Deciembre 12 ay ang 18 na araw na kampanya laban sa kahirapan o 18 – Day Campaign to end Violence Against Women. Ang kampanya na ito ay ginagawa sa buong mundo. Hindi pa huli pagka’t kahit lampas na ng 18 na araw, ang ating adbokasiya ay dapat walang katapusan – taon –taon, hanggang mapuksa na ang problema na ito !
Marami pa ang maitutulong ninyo para sa bayan. Tulad ng mga kaso ng DROGA, CRIMINALIDAD, CLIMATE CHANGE, HUMAN TRAFFICKING . . . kayo ay makakatulong sa pagbabago ng ating buhay. Bilang welfare agency, ang gusto namin ipalaganap ninyo ay PALAKASIN ang ating mga PAMILYA ! Tulungan ninyo kami at makiisa sa laban na ito. Puede rin kayo sumali sa PAG-ASA YOUTH ASSOCIATION o PYAP sa inyong barangay o munisipyo. Ang PYAP ay malakas na instrumento sa PAGBABAGO. Hinahangaan natin ang mga kabataan na ito at napaka-EMPOWERED na nila. Bata pa man kayo ay maganda na para magsimula kayo sa pagiging lider, kahit manlang sa maliit na pamamaraan. Ang DSWD ay laging nasa likod ninyo pagka’t ang DSWD ay may MALASAKIT . . . at may MAAGAP AT MAPAGKALINGANG SERBISYO !
Salamat at mabuhay ang KABATAAN ! “