TINGNAN ang mga naging kaganapan sa pagbisita ng ilang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII sa Reception and Study Center for Children (RSCC) building sa isinagawang Educational tour noong Enero 28, 2020.


Sa pamamagitan ng pasilidad ng RSCC ay patuloy na pinapangalagaan ng DSWD ang mga batang edad 0-7 taon na inabandona, iniwan, inabuso o naulila.


Noong 2019 ay matagumpay na idinaos ang inugurasyon sa mas pinaganda at mas pinalaking RSCC building. Dahil sa mga bagong pasilidad, ang RSCC ay mayroon nang kapasidad na pangalagaan ang 50 sanggol o bata na nangangailangan ng tamang atensyon, pagkalinga, at proteksyon. Layunin ng DSWD na mapabuti ang kapakanan at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga batang nasa pangangalaga ng RSCC.
Ang Educational tour na ito ay kaparte ng selebrasyon ng departamento sa ika-69 nitong anibersaryo. Kabilang din sa mga pinasyal ng mga empleyado ay ang ibang mga pasilidad at center ng departamento kagaya ng Home For Girls, Regional Haven for Women at Regional Rehabilitation Center for Youth.

#DSWDMayMalasakit
#DSWDKalingaAtPagmamahal