It has always been the dream of Cherry and her husband Virgilio Canales to cross poverty toward Self-Sufficiency level of well-being. Both of them tried their best to provide for the needs of their four (4)children: Cherry had to buy and sell copra while Virgilio would do sideline work like carpentry. Their income was not enough to sustain the increasing needs of their family especially since all of their children had to go to school. Their distress over financial matters led them to constant arguments and misunderstandings. With all the challenges coming their way, they thought that their dreams of getting out of poverty would just disappear like water that runs through one’s hands. Cherry said “Kakukuri gud han amon kabutangan han waray pa ini nga programa, Usahay nagdudurungan an gastos ngan diri ako maaram kon hahain ako kukuha. [Our situation was really hard when we were not still a program beneficiary. Sometimes, I do not know where will I get the payment to all the bills and expenses.” 4Ps: AN AUGMENTATION TOWARDS EDUCATION, NUTRITION, AND HEALTH. It was a blessing for the family when they were registered as Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary in 2012. When their family became part of the program, it augmented the couple’s minimal income. According to Cherry, the program was a big help to the family because the grant they received gave them the opportunity to buy healthy and nutritious foods for their children. Also, the family no longer had a problem with securing rice on the table because the program provided its grantees like them with rice subsidies. Equally significant impact of the program is helping the children continue their studies. The grants they receive were budgeted properly. No cents of the grants they receive were used in buying things which were not useful to their education. Through the financial augmentation of 4Ps, two of their children graduated in college and now earning a living. Charence Mae is already a Police Officer in Tarlac City while Cherry Belle works in a pawnshop in Manila. The two of them are supporting their parents and younger siblings to finish their studies too. GAINS FROM ATTENDING FAMILY DEVELOPMENT SESSION The Family Development Session (FDS) is a big impact for Cherry and her family. Through the FDS, Cherry learned different topics such as Financial Literacy and the importance of saving money. Moreover, she also learned from Sessions about improving their family relationship; improving interpersonal skills; adopting good ties and fostering respect to one another. She applied all these learnings in her day-to-day life. Together with her children, Cherry and Virgilio managed to save money and built their sari-sari store. Further, Cherry’s active participation in the FDS molded her interpersonal and networking skill. These skills she attained led her to be elected as barangay official in her locality. For the family, the program is not only about the cash grants they received but the learnings they gained from every topic discussed during the monthly FDS. ELIMINATING DEPENDENCY ON THE PROGRAM The family knew they will soon graduate from the program. Thus, they judiciously manage the gains the program bestows to them: the knowledge, the skills, the opportunities and grants. Presently, the family’s sari-sari store is still existing and the income they get from it helps them a lot to sustain their daily consumption. Cherry continues to serve as barangay official and also remains to buy and sell copra. On the other hand, Virgilio still does carpentry work. Their situation is now getting better. In fact, the family is now tagged as “non-poor” and attained a Self-Sufficiency level of well-being according to the recently conducted Social Welfare and Development Indicators (SWDI) assessment. The Canales family is now ready to exit from the program. With God’s grace, guidance and perfect timing, little by little the Canales Family’s dream is now coming into reality. Coupled with sheer determination, perseverance and hard-work, more of their aspirations for their family will be possible to attain. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII, Nagbahagi ng AICS sa Eastern Samar
Patuloy ang DSWD Field Office VIII sa pamamahagi ng tulong sa iba’t-ibang mga indigent na pamilya sa Eastern Samar. Kasama si Senator Imee Marcos, ang Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Ben Evardone, at mga Local Government Units, nagsagawa ang DSWD ng distribusyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa mga identified na solo parents, mga magsasaka, mga mangingisda, at mga nagtatrabaho sa transport sector. Isinagawa ang simultaneous payouts noong June 3 sa Oras, Guiuan, at Borongan City, Eastern Samar. Matagumpay na nakapamahagi ang ahensya ng P11,754,000 na AICS sa 3,918 na mga benepisaryo. Sa bilang na ito, P3,852,000.00 ang ipinamahagi sa 1,284 na benepisaryo sa Oras, P2,868,000.00 sa 956 na benepisaryo sa Guiuan, at P5,034,000 sa 1,678 na benesaryo mula sa Borongan City. Nakatanggap ang bawat benepisaryo ng P3,000 na AICS. Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isang social safety net o isang stop-gap na mekanismo upang suportahan ang pagbangon ng mga indibidwal at pamilya mula sa hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, at iba pang sitwasyon ng krisis. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO8 Namahagi ng P765,000 Tulong-Pinansyal sa Tacloban City
Namahagi ang DSWD Field Office VIII ng tulong-pinansyal sa mga naapektuhan ng sunog sa Tacloban City. Kasama ang Tingog Partylist, nagpaabot ang Crisis Intervention Unit ng P10,000 para sa 53 na pamilyang nasunugan ng bahay, at P5,000 para sa 47 na mga Sharers o Boarders. Sa kabuuan, nakapamahagi ang ahensya ng P765,000 sa 100 na mga benepisaryo. Maliban sa tulong-pinansyal, nauna na ring nagpa-abot ang ahensya ng mga relief items na nagkakahalaga ng P735,238.08. Kasama dito ang 192 na Family Food Packs, 192 na bottled water, at mga non-food relief items, tulad ng family kits, hygiene kits, sleeping kits, at foam. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII Ibinahagi ang Listahanan 3 Database sa Lokal na Pamahalaan ng Jaro, Leyte
Patuloy sa pagbahagi ng pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan o Listahanan 3 database ang DSWD Field Office VIII. Nagkaroon ng paglagda ng Data Sharing Agreement at pagbahagi ng nasabing database sa lokal na pamahalaan ng Jaro, Leyte noong ika-2 ng Junyo, 2023. Pormal na ibinigay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga at Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So ang electronic copy ng Listahanan 3 database sa Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Jaro, Leyte na si Rita E. Arañez, Data Protection Officer (DPO) na si Jay Marie S. Añover at Municipal Accountant na si Judy Parado. Sa 9,755 na sambahayan na na-assess ng Listahanan sa bayan ng Jaro, Leyte, 4,678 na sambahayan o katumbas ng 26,252 na mga indibidwal ang natukoy ng Listahanan na mahirap. Ang mga datos na nilalaman ng Listahanan 3 database ay maaring gamitin ng lokal na pamahalaan ng Jaro, Leyte upang magsilbing basehan sa pagpili nila ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap. Para sa taong ito, naipamahagi na ang Listahanan 3 database sa lokal na pamahaalan ng Julita, Leyte, Javier, Leyte at Sustainable Livelihood Program ng DSWD Field Office VIII. Inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa rehiyon. Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay isang talaan o information management system na tumutukoy kung sino at saan matatagpuan ang mga mahihirap na sambahayan sa buong bansa. Para sa mga lokal na pamahalaan, publiko at pribadong mga ahensya sa Rehiyong Otso na nagpapatupad ng mga serbisyong panlipunan at nagnanais magkaroon ng access sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, makipag ugnayan lamang sa National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII sa pamamagitan ng email na ito: nhts.fo8@dswd.gov.ph o di kaya ay bumisita sa opisina ng National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII na matatagpuan sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3
DSWD FO8 Namahagi ng Financial at Relief Assistance sa Salcedo
Namahagi ang DSWD Field Office VIII ng 39 na Family Food Packs (FFPs) para sa mga naapektuhan ng isang vehicular accident sa Salcedo, Eastern Samar. Katuwang ang lokal na pamahalaan, namahagi ang DSWD ng FFPs na nagkakahalaga ng P21,450 sa 13 na pamilya. Bawat pamilya ay nakatanggap ng tatlong FFPs. Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, limang kape, limang cereal energy drink, at sampung de lata. Maliban dito, namahagi din ang DSWD ng P80,000 na financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na programa. Namahagi ang ahensya ng P10,000 na burial assistance para sa pamilya ng mga nasawi at P5,000 na medical assistance para sa mga nasugatan sa nasabing insidente. Bahagi ito ng pagresponde ng DSWD sa vehicular accident na naganap noong May 10, kung kailan naiulat na tatlo ang nasawi habang 10 ang sugatan matapos masagasaan ng isang pickup truck. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO8 Nag-monitor sa mga Prepositioned na Relief Items sa Palompon
Nagsagawa kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng monitoring sa mga naka-preposition na Family Food Packs (FFPs) sa Palompon, Leyte. Sa pangunguna ng Disaster Response Management Division, at katuwang ang lokal na pamahalaan, sinigurado ng DSWD ang kalidad ng mga nakaimbak na FFPs. Matatandaang nagpadala ang DSWD ng 1,500 na FFPs sa nasabing munisipyo bilang prepositioning, o ang pag-iimbak ng mga relief items sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo bago pa man magkaroon ng sakuna. Sa pamamagitan nito, mapapabilis ang pagresponde ng DSWD at mga lokal na pamahalaan sa mga pamilyang apektado ng bagyo. Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, limang kape, limang cereal energy drink, at sampung de lata. Sa kabuuan, may nakahandang 58,193 na FFPs ang DSWD FO8. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII, Ibinahagi ang Listahanan 3 Database sa Lokal na Pamahalaan ng Javier, Leyte
Pormal na ibinahagi ng DSWD Field Office VIII ang electronic copy ng Listahanan 3 database, ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, sa lokal na pamahalaan ng Javier, Leyte noong ika-30 ng Mayo, 2023. Sa ngalan ni Regional Director Grace Subong, pinangunahan ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga at Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So ng Listahanan Field Office VIII ang pormal na pagbahagi ng Listahanan 3 database sa Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Javier Leyte na si Olivia Mabanto. Naroon din sa aktibidad ang Information Technology Officer (ITO) na nagsisilbing Data Protection Officer (DPO) din ng munisipyo ng Javier, Leyte na si Michael Pareja. Laman ng naturang database ang mga impormasyon ng sambahayan ng Javier, Leyte kagaya na lamang ng mga pangunahing personal na impormasyon ng mga miyembro ng sambahayan, edukasyon, trabaho o pinagmumulan ng kita, kondisyon ng bahay at marami pang iba. Ang mga datos na ito ay maaring gamitin ng lokal na pamahalaan ng Javier, Leyte upang magsilbing basehan sa pagpili nila ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap. Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay isang talaan o information management system na tumutukoy kung sino at saan matatagpuan ang mga mahihirap na sambahayan sa buong bansa. Layunin ng Listahanan na magkaroon ng tama at mapagkakatiwalaang talaan ng mga mahihirap na sambahayan para maiwasang mapasama ang mga indibidwal o pamilyang may kakayahan sa mga programa at serbisyong para lamang sa mga lubos na nangangailangan. Para sa mga lokal na pamahalaan, publiko at pribadong mga ahensya sa Rehiyong Otso na nagpapatupad ng mga serbisyong panlipunan at nagnanais magkaroon ng access sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, makipag ugnayan lamang sa National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII sa pamamagitan ng email na ito: nhts.fo8@dswd.gov.ph o di kaya ay bumisita sa opisina ng National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII na matatagpuan sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDLIstahanan3