President Duterte Pinangunahan ang FFP Distribution sa Baybay City

Bumisita kamakailan si President Rodrigo Roa Duterte sa Baybay City, Leyte upang kumustahin ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton. Matapos magsagawa ng aerial survey, binisita ng Pangulo ang Baybay City Hospital, at ang evacuation center kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga evacuees. Kasama ang DSWD Secretary Rolando Bautista, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) at mga Non-Food Relief Items (NFIs) mula sa DSWD.

Ayon sa … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Social Workers  Ipinadala sa LGUs na Naapektuhan ng Bagyong Agaton  

Nagpadala ang DSWD Eastern Visayas ng mga team ng mga social worker sa Abuyog at Baybay City, Leyte. Bahagi ito ng technical assistance na ibinahagi ng ahensya sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Agaton.

Tumulong ang mga social worker na ito sa pagsasagawa ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Persons (IDP) Protection sa mga nasabing LGU. Ito ay ang pangangasiwa at pagpapatakbo ng mga evacuation center … Click here to read more...

DSWD Namahagi ng FFPs at Financial Assistance sa Baybay City

JUST IN: Binisita ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista ang Baybay City, Leyte upang mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton.Unang binisita nina Sec. Bautista at DSWD Eastern Visayas Regional Director Grace Subong ang Brgy. Bunga, kung saan namahagi ang ahensya ng Family Food Packs (FFPs) para sa 38 na pamilya. Limang pamilya naman ang nakatanggap ng P10,000 each na Burial Assistance.

Binisita din ng DSWD ang … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Simula na sa Inisyal na Pagresponde sa Bagyong Agaton

Katuwang ang Philippine Army at ang mga Local Government Units, nagsimula na ang DSWD Eastern Visayas sa pag-release ng Family Food Packs (FFPs) sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Agaton. Matapos magsagawa ng inspeksyon sa Abuyog at Baybay City noong Abril 12, nag-release ang DSWD ng 5,113 na FFPs na nagkakahalaga ng P3,419,638.00. Sa bilang na ito, 2,000 ang ini-release sa Baybay City, 1,313 sa Abuyog at 1,800 sa Guiuan. … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas QRT Activated Na

Inactivate na ng DSWD Eastern Visayas ang Quick Response Team (QRT) nito bilang inisyal na pagresponde sa bagyong Agaton. Sa pamamagitan nito, sinisigurado ng ahensya na patuloy ang pagbabahagi nito ng serbisyo kahit sa kalagitnaan ng bagyo.

Patuloy naman ang ahensya sa pakikipag-ugnayan sa mga apektadong Local Government Units upang makuha ang mga kritikal na impormasyon ukol sa pinsalang dulot ng bagyo at upang matukoy ang mga pangangailangan nito.

Samantala, … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas at mga LGUs Patuloy ang Pagbabantay sa Kilos ng Agaton

Nakikipag-ugnayan ang DSWD Eastern Visayas sa mga Local Government Units upang makakuha ng kritikal na impormasyon ukol sa epekto ng bagyong Agaton. Bahagi ito nga patuloy na pagmo-monitor at paghahanda ng ahensya laban sa bagyo.

Bilang kahandaan, may naka-imbak ng 22,736 na Family Food Packs (FFPs) ang ahensya. Nakaimbak ito sa mga warehouse sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Maaaring ipamahagi ang mga FFPs na ito ayon sa … Click here to read more...

DSWD Naghahanda Para sa LPA

Basahin: Patuloy ang pag-iimbak ng DSWD Eastern Visayas ng mga Family Food Packs (FFPs). Bahagi ito ng paghahanda ng ahensya laban sa mga maaaring maging epekto ng Low Pressure Area.

Sa kasalukuyan, may nakahandang 22,736 na FFPs ang ahensya. Nakaimbak ito sa mga warehouse sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Maaaring ipamahagi ang mga FFPs na ito ayon sa request ng mga Local Government Unit.

Huling namataan ang … Click here to read more...