DSWD Nakapamahagi na ng P2.4M ESA Para Sa Bagyong Bising

Nagsimula na ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mga nasiraan ng bahay dulot ng Bagyong Bising, na nanalasa noong Abril 2021.

Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng P2,410,000. Sa bilang na ito, P510,000 ang ibinahagi sa 51 na benepisaryo sa Maripipi, Biliran na mayroong partially damaged houses, habang P1,900,000 naman ang ibinahagi sa San Sebastian, Samar, para sa 187 na benepisaryo … Click here to read more...

RRCY Residents, Makakapag-Kolehiyo sa Tulong ng DSWD at EVSU

Sa pangunguna nina Regional Director Grace Subong at University President Dr. Dennis De Paz, pumirma ang DSWD Eastern Visayas at ang Eastern Visayas State University (EVSU) ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong mabigyan ng tertiary edukasyon ang mga residents ng Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) ng DSWD.

Sa bisa ng MOA na ito, magsasagawa ang EVSU ng special extension classes sa loob ng RRCY ngayong Academic Year … Click here to read more...

IBP Bumisita sa DSWD Centers, Karapatang Pambabae Isinulong

Bumisita kamakailan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Leyte Chapter sa mga residents ng Regional Haven for Women at Home for Girls ng DSWD Eastern Visayas bilang bahagi ng paggunita ng International Women’s Month.

Ayon sa IBP Leyte Chapter Incumbent President, Atty. Hasmin Cristy S. Avila-Bibar, “Maraming babae ang nagiging biktima ng mga di-kanais-nais na sitwasyon dahil hindi nila alam ang kanilang mga karapatan. Layunin natin na i-promote ang … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Handa Para sa LPA

Patuloy ang pag-iimbak ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) bilang paghahanda sa mga maaring maging epekto ng Low Pressure Area (LPA). Sa kasalukuyan, may nakaimbak na 24,939 FFPs ang DSWD. Naka-stockpile ang mga ito sa iba’t-ibang warehouse sa mga strategic na lokasyon sa buong Rehiyon VIII.

Ayon sa PAG-ASA, huling namataan ang LPA 195 na kilometro sa silangan ng Surigao Del Sur. Mababa ang tsansa nitong maging … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Nag-unload ng Dagdag na FFPs mula NROC, VDRC

Tingnan: Nag-unload kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 14,000 na karagdagang Family Food Packs (FFPs). Sa bilang na ito, 10,000 na FFPs ang ipinadala mula sa National Resource Operations Center (NROC) ng DSWD Central Office at 4,000 naman ang galing sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) ng DSWD Field Office VII. Bahagi ito ng patuloy na paghahanda ng DSWD laban sa mga sakuna.

Sa pinakahuling tala, mayroong nakaimbak na 21,934 … Click here to read more...

DSWD Eastern Visayas Namahagi ng FFPs sa Serbisyo Caravan

Nakibahagi ang DSWD Eastern Visayas sa isinagawang Serbisyo Caravan sa Brgy. San Jose, Malitbog, Southern Leyte. Sa pangunguna ng Office of Civil Defense at kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, katulad ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, inilapit ng mga ahensyang ito ang kanilang mga serbisyo sa mga residente ng nasabing barangay.

Nagbahagi ang DSWD ng 316 na Family Food Packs (FFPs) sa nasabing Caravan. Bawat … Click here to read more...

DSWD NROC Nag-augment ng 5,000 FFPs sa DSWD Eastern Visayas

Tingnan: Katuwang ang Philippine National Police, nag-unload ngayon ang DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) mula sa National Resource Operations Center (NROC) ng DSWD Central Office. Nagpadala ang NROC ng 5,000 na FFPs na ito bilang augmentation o suporta sa patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga LGU na naapektuhan ng bagyong Odette.

Sa pinakahuling tala ngayong Pebrero 10, nakapamahagi na ang DSWD ng 206,582 FFPs na … Click here to read more...