LOOK: DSWD Field Office-8 loads 1,700 family food packs for prepositioning to the local government unit in San Policarpo, Eastern Samar. The prepositioning of goods is one of the agency’s methods to intensify disaster preparedness measures and provide an immediate response to every LGU in any type of disaster that may strike us. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Tingnan: DSWD KALAHI-CIDSS KKB-CDD Turn-over and Acceptance Ceremony for the Newly Constructed Multi-Purpose Building sa Barangay Libertad, Naval, Biliran
Isang turn-over at acceptance ceremony ang isinagawa sa pagpapatayo ng multi-purpose building bilang subproject sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Community-Driven Development (KALAHI-CIDSS KKB-CDD) sa Barangay Libertad, Naval, Biliran noong ika-14 ng Enero, 2025. Presente sa nasabing aktibidad ang Area Coordinating Team ng Naval, pati na rin ang mga community volunteers, Municipal at Barangay Local Government Units. Itinataya namang aabot sa Php5,469,920.00 ang naging total cost ng nasabing subproject, kung saan Php5,000,000.00 nito ay ang KALAHI-CIDSS grant, Php150,000.00 mula sa MLGU contribution, Php150,000.00 mula sa BLGU contribution (cash), at Php124,920.00 mula sa BLGU in-kind contribution. Ang subproject turn-over na ito ay isang patunay na nagpapatuloy pa rin ang Community-Driven Development approach (CDD) sa bayan ng Biliran. Sa pamamagitan nito, ito ay magbubunga pa ng mas maraming kaunlaran hindi lamang sa community volunteers, kundi pati na rin sa mga mamamayan ng Naval, Biliran. #MagKalahiTayoPilipinas#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office-8 nagpaabot ng tulong sa Salcedo, Eastern Samar
TINGNAN: Nagpaabot ng tulong ang DSWD Field Office-8 sa pamilyang nasunugan sa Salcedo, Eastern Samar. Nakatanggap ang pamilya ng 3 family food packs (FFPs), 1 hygiene kit, 1 family kit, 1 sleeping kit at 1 kitchen kit. Para sa relief augmentation sa inyong lugar, makipag-ugnayan po tayo sa ating lokal na pamahalaan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office 8 Unloads Augmentation for Taft, Eastern Samar
LOOK: DSWD Field Office-8 unloads 1,700 family food packs and 200 hygiene kits as augmentation support to the local government unit of Taft, Eastern Samar. The department is still in close coordination and monitoring with the LGUs affected by the shear line to ensure prompt delivery of services. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Walang Gutom Program UPDATE
Matapos ang halos isang buwang redemption activities sa iba’t-ibang sulok ng Eastern Visayas mula December 23 hanggang January 13, umabot sa 1,183 na sambahayan ang nakatanggap ng mga food packs at P3,000 food credits ng Walang Gutom Program. Noong nakaraang linggo, naitala ang pinakamalaking bilang ng mga nakatanggap na benepisyaryo sa nasabing redemption period kung saan umabot sa 985 ang nabigyan ng tulong ng Walang Gutom Program sa mga bayan ng Lawaan, Dolores, at Maslog sa Eastern Samar, sa Jiabong at Sta. Margarita sa Samar province, sa Palo, Abuyog, Babatngon sa Leyte, at sa Tacloban City at Catbalogan City. Ang Walang Gutom Program ang flagship program ng DSWD na naglalayon na pababain ang bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng inboluntaryong gutom at malnutrisyon sa buong bansa. Paalala naman ng DSWD – Eastern Visayas, huwag basta-basta magpapaniwala sa mga maling impormasyon. Maaari kayong makipag-ugnayan sa Walang Gutom Program Regional Complaint Resolution Section sa 0960-327-9433 o mag-message dito sa aming Facebook page. #WalangGutomProgram#SaBagongPilipinasWalangGutom#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO 8 Namahagi ng FFPs sa Arteche, Eastern Samar
TINGNAN: Patuloy ang DSWD Field Office-8 sa pamamahagi ng family food packs sa mga pamilyang apektado ng baha dulot ng shear line sa bayan ng Arteche, Eastern Samar. Nasa 1,186 family food packs ang nakatakdang ipamahagi bilang augmentation support sa lokal na pamahalaan. Katuwang ng ahensya sa distribusyon ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO). #LagingHandaPH#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO8 Prepositions Relief Items at Jipapad Eastern Samar
LOOK: The Department of Social Welfare and Development Field Office-8, through its Disaster Response Management Division, loads a total of 1,117 family food packs and 450 bottled water for prepositioning to the Local Government Unit of Jipapad, Eastern Samar. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD